P5M halaga ng covered animal shelter sa Isabela, planado na

Planado na ang ipapatayong covered animal shelter sa probinsya ng Isabela na nagkakahalaga ng 5 milyong piso.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Isabela PDRRM Officer Retired PBGen. Jimmy Rivera, ito ay ipapatayo katabi ng Provincial Multi-Purpose Evacuation Center sa Alibagu Isabela partikular sa harapan ng Provincial Engineering Office.

Aniya, ang naturang proyekto ay ikinonsiderang unprogrammed kung saan hindi ito napabilang sa mga programa ng kanilang ahensiya at Department of Agriculture dahil Nobyembre na noong nakaraang taon dumating ang direktiba ng NDRRMC.

Kaugnay dito ay hinahanapan na lamang ng mapagkukuhanan ng pondo ang nasabing proyekto upang masimulan na ang konstruksiyon.

Ayon pa kay PDRRMO Rivera, dito ipupunta ang mga alagang hayop gaya na lamang ng baka, kalabaw, kambing, baboy at iba pa sakaling may isasagawang pre-emptive evacuation sa mararanasang sama ng panahon sa darating na BER months.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *