P60 Piso vs US Dollar, hindi malabo! – solon

Naniniwala ang isang economist lawmaker na hindi malabong bumaba pa ang halaga ng Piso kontra Dolyar.

Sa isang panayam, sinabi ni House Ways and Means committee chairperson Albay Rep. Joey Salceda na maaari pang bumagsak ng hanggang P60 ang halaga ng US Dollar sa Philippine Peso.

Sa ngayon, tali pa rin daw ang ating ekonomiya sa outside factors kagaya na laman ng pagbaba rin ng ekonomiya ng Amerika.

Kahapon, nagsara ang palitan ng Piso kontra Dolyar sa P58.

Ngayong araw naman, nagbukas ang trading sa P58.35; at nagsara ito ngayong araw sa P58.5

Matatandaaang nagtaas na rin ang Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas ng interest rates sa ikatlong pagkakataon para maibsan ang inflation.

50 basis points o 4.25% ang itinaas nito.

Ang interest rate na itinatakda ng BSP ay ang sinusunod ng mga bangko sa bansa pagdating sa mga ipapataw na patong sa mga loans at iba pang credit transactions.

Ibig-sabihin, kapag mataas ang interest rate – mababawasan ang paggastos at pangungutang ng mga konsumer.

Dahil bawas ang paggasta at nabawasan ang demand – mapipilitan ang mga negosyo na magbawas ng presyo ng mga goods at services.
#

RELATED STORIES:

Peso, lalo pang lumubog sa record-low sa loob ng 10th time sa isang buwan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *