P68M halaga ng droga, nakumpiska mula sa naarestong drug suspect sa Cavite

CAVITE – Nakumpiska ng mga otoridad ang nasa 68 milyong pisong halaga ng pinaniniwalaang Shabu mula sa isang naarestong big time drug suspect sa ikinasang buy bust operation sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Michael Lucas Y Abdul alyas “Boy Muslim”, 35 anyos at residente ng Town and Country Homes Subd ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat mula sa Philippine National Police – CALABARZON, nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at ng PNP mula sa suspek ang 10 kilo ng pinaniniwalaang Shabu na may tinatayang halaga na 68 million pesos.

Nakuha rin mula sa kanya ang tatlong timbangan at mga identification cards.

Base sa imbestigasyon, ang suspek ay miyembro ng drug syndicate na sangkot sa transaksyon ng mga iligal na droga sa mga karatig na probinsiya, Region 3, NCR at pati na sa Mindanao.

Nagmumula umano ang kanyang suplay sa isang Chinese national na nakadetina sa Muntinlupa.

Nahaharap na ngayon ang suspek sa kasong pagpalabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *