P750.00 National minimum wage hirit pa rin

NAGA CITY- Sinabulong din ng kilos protesta ang Labor Day sa  Camarines Sur at Naga City, bitbit ang hinaing at kahilingan para sa mga ordinaryong manggagawa.

Sigaw ng mga sumama ay ipaglaban ang dagdag na arawang sahod o living wage, karapatan at kalayaan ng bayan ngayong nasa krisis pa ang ekonomiya, nagtataasan ang presyo ng bilihin at pagbulusok ng tunay na halaga ng sahod.

Kinuwesyon din sa kilos protesta na isinagawa sa Naga kung nasaan na ang pangakong P20.00 na bawat kilo ng bigas.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Jen Nagrampa ng BAYAN Bicol , binanggit nito na ang P365.00 minimum wage sa buong rehiyon ay hindi na sasapat para sa pamilya na may limang miyembro sa tindi ng Inflation Rate. Dapat aniya maging P750.00 na tulad ng nakapalaman sa P750 Across- The- Board Nationwide o House Bill 7568 at National Minimum Wage Bill o House Bill 4898.

Hiling nila sa pamahalaan matugunan ng mabilis ang problema ng mga manggagawa at tulungan ang mga negosyante na maisakatuparan ito.

Samantala kasama rin sa pagkilos ang Damayan ng mga Paramoma sa Camarines Sur o DAMPA, Gabriela, Amihan, Karapatan Bicol at ilang mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *