P88M na smuggled red at white onions, nasabat sa MICP

Nasabat ng mga tauhan ng Department of Agriculture at Bureau of Customs ang kahon-kahong mga puti at pulang sibuyas.

Narekober ito ng pinagsamang mga tauhan ng DA at BoC sa gitna pa rin ng patuloy na pagsirit ng presyo ng sibuyas merkado.

Ayon kay DA Asec. James Layug, nagkakahalaga ng kabuoang P88Million ang mga narekober na white and red onions sa Manila International Container Port.

Nadiskubre itong nakasilid sa labing-tatlong forty-footer container vans.

Sa ulat, idineklara ang mga narekober na sibuyas bilang mga ‘steamed buns’.

Napag-alaman namang naka-consign ito sa isang ‘Taculog J International Goods Trading’.

Bago ito, una nang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na ginagawan na nila ng paraan ang isyu ng onion smuggling sa bansa.

Mayroon na ring mga nasampahang kaso ang DA na mga nasa likod nag agricultural smuggling.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *