P9-B dagdag pondo ng OWWA para sa mga returning OFWs inaaral na ng DBM

Nasa Office of the President na ang request ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa dagdag pondo na pantugon sa mga gastusin sa mga dumarating na Overseas Filipino Workers o OFW.

Aminado si Budget Secretary Wendel Avisado na may kalakihan ang halaga ng hinihiniling ng OWWA na nasa higit P9 bilyon.

Sinabi ni Avisado na pag-aaralan pa nila ang nasabing hiling ng OWWA upang malaman kung sapat, labis o kulang ang nasabing halaga sa dami ng mga umuuwing OFW’S sa bansa.

Mababatid na inihirit ng OWWA ang dagdag pondo na ito sa gitna nang nasasaid na ang pantustos, pambayad sa mga hotel quarantine facility, pagkain at transportasyon ng mga dumadating na OFW’s.

Samantala sa ngayon ay sinabi ni Avisado na na nakay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya at pag-apruba para sa nasabing halaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *