P9M halaga ng alahas natangay sa isang jewelry shop sa Cagayan de Oro

Umabot sa 9 million pesos ang halaga ng mga natangay na alahas sa isang jewelry shop sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Cagayan de Oro City Police Office Spokesperson Police Lt. Colonel Evan ViƱas na organisadong grupo na kinabibilangan ng anim na suspek ang gumawa sa nasabing pagnanakaw.

Dala-dala ng mga suspek ang isang caliber .45 pistol, 9mm pistol, at ang mataaas na armas na m4 rifle.

Maliban sa motorsiklo ginamit bilang get-a-way vehicle, tinitignan rin ng pulisya na gumamit rin ang mga suspek ng isang 4-wheels vehicle.

Kaagad naman inatasan ni City Director Police Colonel Salvador Radam ang lahat ng kanilang intelligence units na paigtingin ang hot pursuit operation laban sa mga suspek.

Hindi umano residente ng Cagayan de Oro ang mga responsabli, kundi galing anya sa ibang probinsya.

Patuloy na ini-imbestigahan ngayon ng otoridad ang nasabing kaso, at pinag-aaralan narin ang nakuhang CCTV videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *