P9M halaga ng Shabu, nasabat sa Taguig City

TAGUIG – Nasabat ng mga awtoridad ang umaabot sa 9 milyong pisong halaga ng Shabu mula sa dalawang suspek na sinita lamang dahil sa hindi pagsusuot ng facemask sa ikinasang Oplan Galugad sa Taguig City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jemboy Pascual at Eskak Kamsa.

Ayon kay PCol. Celso Rodriguez, chief of police ng Taguig City Police Station, sinita ng kanilang operatiba ang isa sa mga suspek dahil nakababa ang suot nitong face mask habang may bitbit na eco bag.

Nagulat na lamang umano ang tropa na biglang tumakbo ang dalawang suspek kaya hinabol ng mga ito.

Habang patakas ay may nalaglag na hinihinalang iligal na droga mula sa naturang eco bag.

Tuluyan namang naaresto ng mga awtoridad ang dalawa at narekober ang eco bag na naglalaman ng 27 sachet ng pinaniniwalaang Shabu na umaabot sa mahigit isang kilo at nagkakahalaga ng PHP9,180,000.

Dahil dito ay humanga at kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar ang mga pulis ng Taguig ng nakahuli sa mga suspek.

Nakita umano nito ang pagganap ng tungkulin ng mga pulis sa pagroronda na nagbunga sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.

Samantala, mariin namang itinanggi ng dalawang suspek na sila ay mga tulak ng iligal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *