PAF Aircraft bumagsak sa Pilar, Bataan

 Bumagsak sa Sitio Tabon, Brgy. Del Rosario, Pilar, Bataan ang isang Philippine Air Force aircraft kaninang pasado alas dyes ng umaga.

Sa inisyal na report ng Bataan Police Provincial Office, ang eroplano ay isang Marchetti SF260 sakay ang dalawang biktima na pawang mga piloto.

Base sa witnesses, bandang 10:42 am nang makita nila ang eroplano at ito ay bumagsak.

Samantala, dinala sa Martinez Funeral Homes, Pilar, Bataan ang katawan ng mga biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *