“Pa-ihi” ng langis sa isang port sa Mabini, Batangas, nahuli ng BOC; 700K ltr diesel, nakumpiska

Umaabot sa 700,000 na litro ng diesel ang kinumpiska ng Bureau of Customs sa ikinasang fuel marking operation sa Private Port sa Brgy. San Juan, Mabini, Batangas.

Kinumpirma sa Brigada Batangas ni Major Mickglo Mariñas, hepe ng Mabini Municipal Police Sation, ang naturang operasyon kung saan katuwang nilang nagbigay ng security assistance sa BOC ang PNP Maritime Group at Philippine Coast Guard.

Ayon sa report ng BOC, naabutan ng kanilang team ang dalawang tank truck na nagsasalin ng mga diesel sa nakadaong M/V Harmony Star, 30 metro ang layo mula sa dalampasigan.

Kinilala ang kapitan ng barko na si captain Ronnie Ungui y Ilustrusano, 48 anyos at residene ng Santayan, Cebu City.

Sa isinagawang initial fuel testing mula sa isang truck ay lumalabas na walang nakalagay na required fuel marker na siyang labag sa proper procedure ng importation.

Ang resulta naman sa isinagawang fuel testing sa isa pang truk ay pending pa sa ngayon.

Pinuri naman ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang naging accomplishment ng kanyang team sa koordinasyon ng PCG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *