Pabahay para sa mga empleyado ng gobyerno, itatayo sa Science city of Muñoz sa Nueva Ecija

Nagsagawa na ng ground breaking ceremony ang Department of Human Settlements and Urban Development o DHUSD sa housing project para sa mga government employee sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Kasabay ng ground breaking ceremony ang signing ng memorandum of agreement para mas paigtingin ang kasunduan ng DHUSD at local government ng Science city of Muñoz.

Maliban sa pag develop sa lupain para sa pabahay sa mga kawani ng gobyerno, isasagawa na rin ang pagsasaayos sa nasa isandaang existing unit sa ilalim ng phase 1.

Maaalalang, meron na ring itinayong housing project ang DHSUD sa City of San Fernando, Pampanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.