Pabahay, tubig at kuryente mahal pa rin sa Camarines Norte noong Mayo

CAMARINES NORTE – Nananatiling mahal ang pabahay, tubig, kuryente at mga produktong petrolyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong nakaraang buwan ng Mayo.

Batay ito sa Special Release report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas noong Sabado, June 12, 2021 patungkol sa Consumer Price Index for All Income household sa lalawigan.

Sa month- on- month comparison naitala ang higher price index sa mga nabanggit na commodities na may 0.33 percent change (121. 3- 121.37).

Naobserbahan din ang higher price index sa clothing and footwear, Restaurant and Miscellaneous Goods and Services, Health at Alcoholic Beverages and tobacco.

Sa kabilang dako, bahagya namang bumaba ang presyo ng pagkain, non- alcoholic beverages ng isang porsiento at transport na may 0. 39  percent.

Matatandaan na noong buwan ng Mayo ay naitala ang 7. 1 percent inflation sa probinsiya na di hamak na mas mataas sa 3. 8 percent sa kaparehong panahon noog isang taon.

Ibig sabihin, mas mabilis ang naging pagtaas ng presyo ng mga binibiling produkto at serbisyo sa lalawigan noong May 2021 kumpara noong May 2020.

Gayunman bahagya naman itong mababa kumpara sa 7.9 percent inflation noong Abril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *