Pabuya sa Barangay na may pinakamaraming nabakunahan kontra Covid-19, hind kailangan – ABC President

SORSOGON CITY – Tahasang sinabi ng Chairman ng Brgy Cambulaga at presidente ng Sorsogon City Association of Barangay Captains (ABC) na si Ma. Theresa Perdigon na hindi na kailangan ng pabuya ng bawat barangay upang umaksyon sa vaccination roll out.

Ang reaksyon ng opisyal ay kasunod ng pahayag ni Senator Franklin Drilon na dapat umano ay bigyan ng pabuya ang mga lokal na pamahalaan na may pinakamaraming nabakunahan kontra coronavirus disease. Naniniwala kasi ang senador na isa itong paraan upang makahikayat ng mas maraming Filipino na magpabakuna dahil sa pag-aalinlangan sa Covid vaccine.

Pagbibigay diin ni Perdigon na hindi na kailangan ng insentibo ng bawat pinuno ng barangay upang hikayatin na magpaturok ng bakuna kontra Covid 19 ang mga residente nito.

Para sa opisyal, ang pag papaliwanag at pag- eenganyo sa bawat indibidwal sa mga barangay ng kahalagahan na magpabakuna kontra coronavirus ay isang parte na ng responibilidad at pagmamalasakit sa kapwa ngayong pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *