Pacman, bigong mabawi ang welterweight title mula kay Ugas

Bigong mabawi ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao ang welterweight title mula kay Yordenis Ugas via unanimous decision sa T-Mobile Arena Las Vegas, Nevada.

Mas gigil ang pambansang kamao sa buong laban pero di ito naging sapat kontra sa mas batang katunggali na dating Olympian na si Ugas.

Sa scores na 115-113, 116-112, 116-112, ito ang ika 27 panalo ng Cuban boxer.

Iniakyat si Ugas sa titulong “super” champion ng WBA noong Enero, nang tinanggal kay Pacquiao ang titulo at idineklara ang Pinoy boxer bilang “champion in recess.”

Ito na ang ikawalong talo ni Pacquiao sa kanyang karera at ika-una mula nang matalo kontra sa Australian na si Jeff Horn noong July 2017. Bumaba ang kanyang score sa 62-8-2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *