Pacquiao, inamin na nape-pressure sa nalalapit na exhibition match kay DK Yoo

Inamin ni Manny Pacquiao na hindi siya gaanong nape-pressure sa paparating na exhibition match kay DK Yoo.

Nakatakdang harapin ni Pacquiao ang mixed martial arts practitioner na si DK Yoo sa December 11 at ang ilan sa mga kikitain ng laban ay ibibigay sa mga biktima ng Russia-Ukraine conflict.

Sa panayam sa pambansang kamao, dahil exhibition match lamang ito, hindi umano ganun ka-intense ang ginagawa nilang training hindi katulad ng mga totoong laban nito.

Sa kabila nito sinabi ni Pacquaio na patuloy siyang nag-e-ensayo para maibigay ang kaniyang best at matuwa ang kaniyang mga fans sa ipapakitang galing sa larangan ng boxing

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *