Pacquiao, makakaharap ang former sparmate sa Saudi Arabia exhibition fight

Magbabalik sa rin sa isa pang pagkakataon si Manny Pacquiao kung saan makakaharap naman nito si dating French sparmate Jaber Zayani, na pansamantalang itinakda sa mid-February sa susunod na taon sa Saudi Arabia.

Matatandaan na naging sparring ni Zayani si Pacquiao nang naghahandang lumaban ang huli laban kay Keith Thurman noong 2019.

Nabatid ang deal para sa exhibition match, na isang non-sanctioned 8-round match gamit ang 8-ounce gloves, ay pormal na nalagdaan noong nakaraang linggo.

Ayon kay Zayani, inabisuhan umano siya ng dating senador na maghanda ng mabuti para sa laban.

Sinabi ng 31-anyos na French boxer, na may record na 18-0 at 11 knockouts, na ikinokonsidera niya ang nalalapit na laban kay Pacquiao bilang big break.

Mababatid na ang eight division world champion ay lumagda rin kamakailan para sa isang exhibition match kay Korean YouTuber DK Yoo na itinakda sa December 10.

Leave a Reply

Your email address will not be published.