Pacquiao, nangakong sasagutin ang gastos ng isang boksingerong na coma

Nangako ang boxing legend na si Manny Pacquaio na sasagutin niya ang gastos sa ospital ni  Sarangani bantamweight Kenneth Egano, na na-coma matapos manalo sa kanyang eight-round fight noong Sabado sa Cavite.

Bumagsak si Egano sa ibabaw ng ring habang hinihintay  ang opisyal na resulta ng kanyang laban kay Jason Facularin sa Imus.

Inatasan ni Pacquiao ang kanyang mga tauhan sa Maynila na tiyaking matatanggap ni Egano ang lahat ng tulong na kailangan niya.

Samantala, sa Facebook ilang malapit kay Egano ang nagbahagi ng ilang litrato niya sa ospital at umaasahang malalagpasan ng boksingero ang kalagayan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *