Pacquiao planong dalhin sa MPBL sa international audience

May plano si eight-division world boxing champion Manny Pacquiao na dalhin ang MPBL sa worldwide audience at maaaring magsimula ito sa mga koponan mula sa United Arab Emirates.

Ibinahagi ni Pacquiao ang kanyang pananaw para sa pro league sa pagbisita kamakailan ni GAB chairman Atty. Richard Clarin na dumalo sa isang “Blow By Blow” show sa Lagao Gym sa General Santos City.

Sinabi ni Pacquiao na ang MPBL ay patuloy na lumalaki at ang ikalimang season nito ay magsisimula sa Lucena ngayong Sabado na may 30 koponan.

Sinabi pa ng pambansang kamao na pinag-iisipan pa niya ang perpektong format ngunit ang isang option ay pumili ng hindi bababa sa limang manlalarong Pilipino para sa bawat koponan sa ibang bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *