Padre de pamilya na uuwi para sa debut ng anak, inanod ng baha

NAGA CITY- Labis ang pagdadalamhati ng kaanak ng padre de pamilyang inanod ng baha sa Naga City, patay nang natagpuan sa Siembre bayan ng Bombon Camarines Sur.

Sa pinag-isang pwersa ng mga rescuer , makalipas ang tatlong araw natagpuan ang bangkay ni Benito Noaren, 50-anyos ng San Agustin Canaman.

Mababatid na napaulat na nawawala si Noarin noong Enero 19, 2023 napag-alaman na lulan siya ng motorsiklo nang may iwasan umanong tumatawid sa spillway pero sa kasamaang palay siya ang tinangay ng rumaragasang tubig na dala ng halos walan humpay ng pagbabaha nitong mga nagdaang araw.

Ayon kay PSMS Toby Bongon napag-alaman na sinabi ng pamilya na nagpumilit umuwi mula sa trabaho si Noarin dahil karawan  o debut mismo ng kaniyang anak.

Maabot man ang pangarap hindi na masasabi ng anak ng personal ang  “PA COMPUTER ENGINEER NA ANG DARAGA MO”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *