Padre de pamilya natabunan ng hinukay na lupa sa Camarines Sur

CAMARINE SUR- Patay ang isang padre de pamilya matapos na matabunan ng hinukay na lupa sa Sagñay Camarines Sur.

Nakasaad sa ulat ng Sagñay PNP, na humingi ng tulong ang isang misis sa pulisya upang ma rescue ang kaniyang asawang si  Melchor Vergara y Bragais, 54-anyos ng  Brgy Minadongjol.

Tumugon naman ang PNP at MDRRM Office Sagñay at Goa personnel , pati ilan pang volunteer offices at narekober ang bangkay ng biktima.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCPT Mark Spaña na base sa kanilang imbestigasyon, nag collapse ang lupa dahil sa ulan nitong mga nagdaang araw at natabunan ang biktima na pinapahukay umano ng kayamanan. Ayon kay Spaña, base sa kanilang nakitang gamit at lalim ng hukay nag ti-treasure hunt ang biktima.  May background ito sa pagmimina ng ginto sa Camarines Norte.

Hindi pa aniya ito maikukunsiderang small scale mining base sa mga panuntunan ng Department of Environment and Natural Resources.

Ikinalungkot din ng PNP dahil March 16, 2023  pa pala ito nangyari pero halos 19-oras na ang nakalipas nang ipabatid sa PNP, hindi rin sinabi kaagad ng pinagtatrabahuhan at mga kasamahan, sana aniya ay nakapagrescue sila kaagad.

Hinihintay ng PNP ang desisyon ng pamilya.

Dulot nito, isasama ng PNP sa Barangay visitation ang pagpapamonitor sa mga barangay officials sa mga parehong aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *