Padre de pamilya, patay matapos mabagsakan ng puno habang sakay sa motorsiklo.

Patay ang isang lalaki na kinilalang si Nicanor Cabansa, 39 anyos at residente ng Bgy. Caruray San Vicente Palawan.

Ayon sa kaanak ng Biktima, naghahanap buhay lang ito upang pandagdag sa paghanda para kaarawan ng kanyang anak ngayong arawnang aksidente itong mabagsakan ng pinuputol na punong kahoy noong Ika-10 ng Enero sa Sitio Pag Asa sa nabanggit na Barangay.

Dahil sa malagim na trahedya, doble ngayon ang paghihinagpis ng pamilya ng biktima dahil matapos masira ng bagyo ang kanilang tirahan ay nawala din ang kanilang Padre de pamilya.

Hustisya ang sigaw ng pamilya dahil sa kapabayaan umano ng mga pumutol ng punong kahoy.

Samantala, may pag-uusap na rin ngayon sa pagitan ng kaanak at kabilang panig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *