Padre de pamilya, patay sa aksidente sa Bgy. Binduyan

Patay ang isang Padre de Pamilya na sakay ng motorsiklo matapos makabanggaan ang shuttle van sa Barangay Binduyan sa Puerto Princesa City.

Kinilala ni Kapitan Macario Fabrigas ang nasawi na si Nestor Gadi, humigit kumulang 50 anyos na residente sa Barangay Binduyan, maintenance sa Department of Public Works & Highways.

Malapit lamang aniya sa tinitirhan ng biktima ang pinangyarihan ng aksidente bandang alas- diyes ng umaga kanina.

Napag-alaman din ng Brigada kay Kagawad Risty Gabo na papauwi na para mananghalian si Nestor mula sa kanyang trabaho.

Nayakap pa raw nito ang kanyang asawa baka nalagutan ng hininga sa kalsada.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng pulisya ang drayber ng shuttle van na umano’y nakabanggaan ng biktima.

Samantala, naulila ni Nestor ang apat na mga anak at isang asawa, ayon pa kay Kgd. Gabo ng Binduyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *