Padre Garcia-Ibaan diversion road, 9 na tulay at 17 km mula sa build-build-build program ng DPWH sa Batangas

Batangas -Magpapatuloy na ang nasimulang konstruksyon ng Padre Garcia-Ibaan diversion road matapos ang isinagawang pormal na ground breaking nito sa bahagi ng Padre Garcia, Batangas, kahapon.

Ang proyekto ay maipagpapatuloy na maipagawa sa pamamagitan ni 4th District Congresswoman Lianda Bolilia kasama ang mga kinatawan ng DPWH Region 4A.

Sa pananalita ni DPWH Regional Director Engr. Jovel Mendoza, nabatid na ang  diversion road na ito ay may 17 kilometro ang haba, may siyam na tulay at may right of way na 20 meters, nabatdi pa may bahaging nasimulan na sa konstruksyon sa nasabing kalsada noong 2020.

Ayon kay Mendoza, may mabubuksan ng higit sa 4.17 kilometers habang may ginagawa pa dalawang tulay, nabatid pa rin na may nakalaan pang karagdagang pondo para dito na nagkakahalaga ng P150M para sa dalawa pang mga tulay at pagbuibukas ng panibang kalsada na may habang 2.69 kilometers.

Kaugnay nito, nakiusap na din si Engr Mendoza kay CongW Bolilia na mapakiusapan sana na madagdagan pa ang pondo para naman mailaan sa pagpapagawa ng limang tulay at natitirang 9.91 kilometers na open road portion kasabay din ang sanay madaling maresolba ang usapin sa right of way dito.

Ang konstruksyon ng Padre Garcia-Ibaan diversion road ay bahagi ng programang Build-Build-Build ni Pangulong Rodrigo Duterte at DPWH Sec Mark Villar kasama si 4th District CongW Bolilia.

Samantala, ang Batangas province ay ang pinakamarami sa buong bansa na mga nagpapatuloy na gawain at mga kumpletong bypasses gaya ng Batangas City-San Pascual-Bauan diversion road, Startollway-Pinamucan na on going pa, Lobo-Malabrigo, Manila-Batangas road, on going construction ng Lipa-Padre Garcia bypass road.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *