Hindi umano makatarungan na akusahan ang grupo ng European Union to Syria ng hindi pagbibigay ng sapat na tulong sa mga Syrian kasunod ng lindol na sumira sa malaking bahagi ng bansa at Turkey noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Dan Stoenescu , ang member states nito ay nakakalap ng higit sa 50 million euros upang magbigay ng tulong, back rescue missions at first aid sa bahagi ng Syrian government at rebel-controlled parts sa Syria.
Dumating na rin sa Beirut noong Sabado ang 30-toneldadang humanitarian aid mula sa Italian government kabilang ang 4 na ambulansiya at 13 pallets ng medical equipment bilang tulong sa Syria.
Ayon sa pinakahuling ulat, nag-iwan ng mahigit 3, 500 katao patay ang magnitude 7.8 na lindol sa Syria.//CA