Pag-amiyenda sa three-year fixed term AFP, target tapusin ng Senado 2021 Q1

Tina-target maipasa ng Senado ang panukala na mag-aamiyenda sa coverag ng three-year fixed term sa Armed Forces of the Philippines sa unang kuwarter ng taon.

Sa Kapihan sa Manila Bay Forum, sinabi ni Senate President Migz Zubiri na ginagawa na nila ang lahat sa pag-amyenda sa naturang panukalang batas.

Sinabi rin nito na napag-usapan na nila ni Senator Jinggoy Estrada, na siyang umuupo bilang chairperson ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification, and Reconciliation ang panukala, at nakabuo na sila ng technical working group.

Ayon kay Zubiri, ang nangyayaring amendment ay makatutulong sa stability sa military establishments.

Matatandaang ang House Bill 6517 ay pina-certify as urgent ni Pangulong Bongbong Marcos.

Mayroon ding inihain sina House Speaker Martin Romualdez at co-authors na sina Representatives Raul Tupas, Mercedes Alvarez, Divina Grace Yu at Jorge Bustoang ang House Bill No. 6482 para amiyendahan na ang Republic Act 11709 na nilagdaan nito lamang Abril ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Senado, inihain din ni Estrada ang Senate Bill No. 1601 kung saan, pahahabain ang posisyon ng Captain, Major and Lieutenant Coronel, at pataasin ang maximum tenure-in-grade ng mga Colonel.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *