Pag amyenda sa Rice Tariffication Law isa sa target ng isang multi sectoral partylist group sa Bicol

NAGA CITY- Nais ng isang multisectoral partylist group sa Bicol Region na amyendahan ang Rice Tariffication Law, ito rin ang nais ng ibang mga opisyal at mga bagong uupo sa pamahalaan.

Ayon kay Atty. Jil Bongalon ng Ako Bicol Partylist , nagpapatuloy ang kanilang pag-aaral base sa mga datus at karanasan ng mga magsasaka.  Batid nila na maganda ang epekto ng tariff o pagpataw ng buwis sa pag-aangkat na bigas, ang nakukuha rito ay inilalaan sa rice fund; pondo para sa mga programa ng Department of Agriculture. Subalit ang hindi magandang epekto ay nakaasa ang bansa sa supply ng iba.   Pagbibigay diin nito short term solutions lamang ang nakapalaman sa nasabing batas.

Idinagdag pa na dapat madagdagan ang pondo para sa agrikultura at palakasin ang programa sa mga makenarya para sa mas mataas na ani kung saan inihalimbawa nito ang Camarines Sur na isa sa mga Rice Top Producing Provinces sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.