Pag avail ng condonation program ng mga magsasaka mas pinagaan ng NIA

CAMARINES NORTE – Hinimok ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga magsasaka sa Camarines Norte na mag avail ng condonation program upang malinis ang kanilang pagkakautang ngayong mas pinagaan na ang mga requirements.

Maaari na kasing mag- avail sa programa kahit ang mga walang hawak na titulo sa ilalim ng Implementing Rules ang Regulations ng Republic Act No 10969 o ang Free Irrigation Service Act o FISA.

Sa ilalim nito maaari nang ikunsidera ang mga sumusunod na dokumento bilang “evidence of ownership” tulad ng Transfer Certificate of Title (TCT), Certificate of Land Ownership (CLOA), Emancipation Patent (EP), Tax declaration at Certificate of Landholdings na inisyu ng Office of the Treasurer nang nakakasakop na LGU.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay NIA Camarines Norte Public Information Officer Mar Villamonte, sinabi nito na kahit Barangay Certification ay maaari nang gamitin sa pag- avail sa programa.

“Kung wala po kayong mga hawak na titulo o anumang nagpapatunay na sarili ninyo pag aari ng lupa, pwede na po kayong magkuha sa mga Barangay Captain ng certification na kayo ay mapapatunayan na tiller kayo nung mga landowner,” ani Villamonte.

“Yung tiller pwede nang mag apply basta may certification po nung Barangay Captain o kaya mayron silang hawak nung kung ano man titulo ng lupa na hinahawakan nila pwede na yun.”

Gayunman aminado si Villamonte na sa ngayon ay mababa pa rin ang turn out ng mga nag- aavail ng condonation program.

Isa umano sa nagiging hadlang ay malayo ang ibang mga barangay kaya nagsasagawa ng mobile registration ang NIA.

Kaugnay nito ay pinaalalahanan ni Villamonte ang mga magsasaka na hindi pa nakakapag avail ng condonation program na i- avail na ito dahil posible pa rin aniya itong bawiin ng gobyerno.

Mahalaga umano ito dahil madi- delete sa libro ng NIA ang mga dating pagkakautang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *