Pag-block sa ‘CPP-linked’ sites, hindi labag sa freedom of speech – Lorenzana

Iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi paglabag sa freedom of speech ang pag-block sa umanoy websites na ginagamit ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay Lorenzana, sang-ayon siya sa gagawin ng National Telecommunications Commission (NTC).

Aniya, ang disinformation laban sa gobyerno ang umanoy labag at hindi ang pag-alis sa naturang mga ‘CPP-linked’ sites.

Samantala, sinabi niya na mababawasan ang pag-recruit ng mga kabataan sa communist organization kung iboblock ang mga ito. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.