Pag gamit ng Kapampangan language sa mga traffic sign, itinutulak sa Angeles city

Itinutulak ng Angeles city ang pag gamit ng Kapampangan language sa mga traffic signages sa lungsod.

Ayon kay Mayor Pogi Lazatin, inaasahang simula sa September ikakabit na ang mga signages sa major thoroughfares ng Angeles.

Sa ngayon nasa printing process na ang mga signages, at sa oras na matapos ikakabit ito agad sa kahabaan ng Mcarthur highway at Fil-am friendship Circumferential road.

Maliban sa Kapampangan signages, may kaakibat rin ito sa wikang Ingles.

Ang naturang inisyatibo ay kauna-unahan sa Angeles city maging sa buong probinsya ng Pampanga.

Layon nitong mapreserba ang Kapampangan language.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *