Local News

Pag-isyu ng travel pass nireklamo ng mga residente ng Legazpi City matapos abutin ng lampas 9 hrs.

LEGAZPI CITY -Umani ng mga negatibong reaksyon mula sa mga residente ang unang araw ng pagkuha ng travel pass of authority sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa lungsod ng Legazpi.

Galit, pagod, pagkainis at mabagal umano ang proseso sa pagbibigay ng travel pass sa mga lalabas ng lalawigan ng Albay.

Ayon sa mga ito, pahirapan pa umano ang pagkuha ng travel pass kung saan inabot pa ng 9 na oras o hapon bago mo ito makuha.

Hindi rin umano sistematiko ang proseso dahil sa nauunang nabibigyan ang mga huling dumating kaysa sa mga naunang dumsting.

Ayon din sa mga private sektor, dapat sana pinag aralan muna ng maayos ang Executive order No 25 bago sana ipinatupad ito.

Dahil dito, maaaring maapektohan ang mga negosyo na nagtatrabaho sa ibat ibang probinsya.

Payo ng mga ito sa mga local officials dapat sana ang mga ganitong implementation ay ibinigay na lang sa barangay upang hindi nagkaroon ng problema sa pamamahagi ng travel pass.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

24 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

24 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

24 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

24 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago