Pag iwas sa Teenage pregnancy  nais palakasin sa Naga

NAGA CITY – Nais pang palakasin ng Lokal na Pamahalaan ng Naga at ng Department of Education ang mga programa at pagpapalawak ng impormasyon sa hinggil sa pag-iwas sa Teenage Pregnancy gayundin ang pagtulong  upang makapag-aral pa ang maagang nabuntis.

Sa panayam kasi ng Brigada News FM Naga kay City Councilor  Lito Del Rosario, Chairman of Committee on Education, sinabi nitong sa ganitong paraan maaaring mabawasan ang kaso o problema lalo na kailangan ding may alam at mamonitor ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na ngayong full implementation na ng face-to-face classes.

Kung saan sa pakikipag-usap naman kay Dr. Sulpicio Alferez  III, School Principal ng Camarines Sur National High School, sinabi nitong patuloy ang pagsasagawa nila ng mga aktibidad at orientation bilang paalala sa kanilang mga mag-aaral lalo na’t may naitalang kaso sa kanila na patuloy na minomonitor.

Tinulungan upang kahit papaano maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral na nagiging hamon para sa mga guro dahil nagiging dagdag na trabaho pa nila kaysa sa regular na pagtuturo lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *