Pag-recruit ng rebeldeng NPA sa mga IP’s; tinutukan ng 17th IB Philppine Army

Tinututukan ngayon ng pamunuan ng 17th Infantry Battalion Philippine Army ang panghihikayat ng mga kasapi ng rebeldeng NPA sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Lt. David Lloyd Orbeta, civil military operations officer ng 17IB, partikular na tinututukan nila ngayon ang continuous recruitment sa mga IPs o mga agta na nasa mga liblib na barangays.

Aniya, mayroon umanong nasa 13 na mga magulang ang dumulog sa kanilang tanggapan at Commission on Human Rights dahil na-recruit ng mga rebelde ang kanilang mga anak at ginawang child warriors.

Sinabi ni Lt. Orbeta na upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Agta community para hindi malinlang at sumama sa armadong grupo.

Sa katunayan aniya, nito lang June 26, ang NICA at iba pang ahensya ng pamahalaan ay nagsagawa ng gift giving activities sa Gattaran, Cagayan para sa mga IPs.

Ayon pa kay PLt. Orbeta, sa ngayon ay humina na ang pwersa ng rebeldeng grupo sa kanilang nasasakupan matapos ang pagsuko ng maraming nagbalik-loob hindi lang ang mga regular members kundi maging team leaders at ang mga matataas na opisyal.

Inihayag din niya na handa nilang tulungan na makapagbalik-loob sa pamahalaan ang mga rebelde kahit pa mayroon silang kinakaharap na kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *