Pag-reresaykel sa mga bala ng AFP, inaaral na sa gitna ng pagtaas ng ‘wastage level’

Amindo ang Department of National Defense (DND) na nagkakaroon na ng kakulangan sa suplay ng bala sa Armed Force of the Philippines (AFP).

Sa isang ambush interview sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na ilan sa mga tinitingnan nilang hakbang para matugunan ito ay ang pagpapahaba ng shelf life ng mga ammunition o pag-recycle sa mga balang malapit nang ma-expire.

Binigyang-diin ni Galvez na nagkaroon din ng pagbagal sa paggamit ng ammunition dahil sa pag-adopt ng ‘non-lethal strategies’ sa kanilang anti-insurgency operations.

Paliwanag pa niya, nakita nila na bumaba ang ammunition consumption dahil naging ‘expert’ ang mga miyembro ng AFP sa paggamit ng ammo.

Sa huli, sinabi ni Galvez na ang low usage of ammunition na nagdudulot ng kapayapaan ay epektibo at kaya umanong ma-sustain ng ahensya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *