Pag resolba sa problema ng Chevalier School sa Angeles city, minamadali na

Minamadali na ng Angeles City Council ang problemang kinakaharap ng Chevalier School sa kanilang lungsod.

Ayon kay City Council Alfie Bonifacio, inaasahang sa darating na linggo ay may maibibigay nang pinal na desisyon ang pamunuan ng naturang eskwelahan kung hanggang kailan ito pwedeng mag operate.

Kaugnay nito sinabi ni Bonifacio na ang City Council ay umaasang payagan ang patuloy na operasyon ng CS school hanggang 2033.

Mababatid na ayaw nang palawigin pa ng Archdiocese ng City of San Fernando na nag mamay ari sa lupang kinatitirikan ng eskwelahan ang kanilang kontrata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *