Pag-upo ng bagong Regional Director ng PNP-Bicol, epektibo ngayong araw

LEGAZPI CITY—Epektibo ngayong araw ang pag-upo ng bagong Regional Director ng PNP Biocol na si Police Brigadier General Jonnel Cabrillos Estomo.

Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM mula sa National Headquarters ng PNP Camp Crame.

Ayon sa PNP, ililipat na muna si Police Brigadier General Bartolome Ragudos Bustamante bilang Acting Director for Human Resources and Doctrine Development (HRDD) ng National Headquarters.

Si General Estomo ay dating head ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Camp Crame habang si Bustamante ay nagsilbi bilang direktor ng PNP Bicol sa loob lamang ng pitong buwan kung saan marami rin itong nagawang accomplishment sa tulong ng buong kapulisan sa rehiyon.Maliban sa Bicol, ipinatupad din ang balasahan sa iba pang mga PNP Officals sa ibang mga lugar sa bansa na dahil umano sa nalalapit nang pagretiro ni PNP Chief General Debold Sinas sa darating na buwan ng Mayo.

Samantala, uupo naman si PCol Rudolph Botengan Dimas bilang Acting Director ng Anti-Kidnapping Group sa Camp Crame at si PCol Allan Cruz Nobleza bilang Acting Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office 6.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *