Pag-uwi ni SEA Games gold medalist Annie Ramirez paghahandaan ng Barangay council ng San Isidro Pamplona, Camarines Sur

NAGA CITY-Nasungkit ni Jiu-jitsu athlete Annie Ramirez ang ika-6 na gintong medalya ng Pilipinas matapos na mag wagi sa women’s 57kg ne-waza gi competition sa 32nd South East Asian Games sa Cambodia nitong Sabado.

Si Ramirez ay tubong Pamplona, Camarines Sur, Gold Medalist na rin ito noong nakaraang SEA Games 2019 at 2022.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay San Isidro Punong Barangay Dennis Tarusanan, sinabi nitong bihira na sa naturang bayan ang atleta pero naroon ang kaniyang mga magulang at kaanak. Lagi rin aniya nitong dala ang pangalan ng bayan.

Noon nagkaroon ng selebrasyon sa pag-uwi nito  hindi lamang sa barangay kundi kinilala ng LGU. Kung magkakaroon na aniya ng schedule sa pag-uwi, paghahandaan ito ng Barangay bilang pagbunyi sa pag-uwi ng karangalan sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *