Pag-veto sa bills, maiiwasan kung may Palace -Congress coordination – SP Migz

Isinusulong ngayon ang mas maigting na koordinasyon sa pagitan ng Kongreso at Palasyo matapos i-veto ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang ilang mahahalagang panukalang batas.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, kinikilala nila ang veto power ng Pangulo ngunit hindi dapat aniya ito maging dahilan para mawala ang magandang relasyon ng legislator at executive branch.

Binigyang diin ni Zubiri na naglaan ng maraming oras at panahon ang bawat mambabatas para maisulong ang isang panukala kung kaya’t kailangang iwasan ang pag-veto rito lalo na kung magiging proactive aniya ang Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).

Mababatid na dismayado ang ilang Senador partikular si Senador Koko Pimentel sa ginawang pag-veto ni Pangulong Marcos sa sa panukalang tax exemption ng election honoraria at allowances ng mga guro at iba pang election workers.

Tinawag naman na ‘unfortunate’ ni Senadora Grace Poe ang ginawang pag-veto ng Pangulo sa panukalang pagkakaroon ng Philippine transportation safety board.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *