PAGASA: La Niña, posibleng magsimula na ngayong Oktubre

Posibleng magsimula na ang La Niña ngayong Oktubre 2021.

Ayon kay Benison Estareja ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 70- 80 percent ang tiyansang mararamdaman na ang La Niña sa susunod na buwan.

Ang La Niña ay ang phenomenon kung saan mas higit sa normal ang nararanasang mga pag-ulan.

Dagdag pa ni Estareja, maaaring magtagal ang La Niña hanggang sa unang quarter ng 2022.

Dahil dito ay nasa dalawa hanggang tatlong tropical cyclones ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na buwan.

Mataas umano ang tiyansa ng naturang mga bagyo na maglandfall sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *