Pagbaba ng bilang ng Asian waterbirds sa Lemery, Batangas, naitala

Naitala ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga Asian waterbirds sa isinagawang monitoring ng DENR-CENRO Calaca Conservation and Development Section sa Brgy. Palanas, Lemery, Batangas.

Ang mga waterbird species na ito ay kinabibilangan ng Little Egret at Great Egret na tinatayang umaabot sa 950 ang bilang sa naturang barangay.

Kung bumaba ang bilang ng mga ito sa Palanas, naobserba naman ang mas maraming bilang nito sa Brgy. San Diego sa bayan ng Lian.

Tinatayang umaabot naman ang bilang nito sa 3,320 sa naturang barangay.

Ang pagbabago sa geographical features sa Brgy. Palanas ay dulot ng pagputok ng Bulkang Taal noong 2020 na nagdulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog ng isang metro.

Nagdulot ito ng pinsala sa mangrove areas na siyang pinamumugaran at silungan ng mga ibon.

Nagpapatuloy ang monitoring sa mangrove area para sa posibleng pagsasagawa ng restoration.

Ang Asian Waterbird Census (AWC) ay isinasagawa kada buwan ng Enero para matukoy ang mga pagbabago sa waterbird population sa lahat na mga natural at man-made wetlands.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *