Local News

Pagbaba ng mga labi ng nasawi sa Cessna plane crash, posible pang abutin ng 2-3 araw

Nahihirapan ngayon ang mga responders na maibaba ang mga labi ng nasawi sa Cessna plane crash sa dalisdis ng bulkan Mayon dahil sa sama ng panahon at napapalibutan ng mga hamog ang paanan ng bulkan.

Ayon kay Camalig Mayor Caloy Baldo, posibleng abutin pa ng dalawa o tatlong araw ang pagbaba ng mga labi dahil dito.

Hindi na rin umano kinakaya ng retrieval teams ang pagdadala dahil sa pagod, kung kaya’t kinakailangan na nilang bumaba at iwan ang mga labi sa bulka, subalit tiniyak naman nito na nasa maayos ang kalalagyan ng mga labi mula sa dalisdis ng bulkan.

Dagdag pa nito, kinakailangan din ng karagdagang augmentation para sa pababa ng mga labi.

Sinubukan ding gumamit ng chopper upang mapabilis ng pagkuha subalit walang pagkakataong makuha ang mga ito dahil sa sama ng panahon, kung kaya’t by foot pa rin ang pagsasagawa ng operasyon.

Sinabi pa ng opisyal, nasa 700 o 800 responders na ang tumulong upang mahanap ang eroplano at mga pasahero nito mula nang naiulat na nawawala noong Pebrero 18. Samantala, umaasa naman ang pamunuan ng Energy Development Corporation (EDC) na maibaba na sa lalong madaling panahon ang mga labi ng kanilang mga kasamahan.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

14 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

14 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

14 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

14 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

14 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

14 hours ago