Pagbabago sa ilang key positions sa AFP, welcome sa DND

Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang mga pagbabago sa ilang key position sa Armed Forces of the Philippines.

Binati ni Lorenzana sina Maj. Gen. Ernesto C. Torres Jr. bilang bagong commander ng AFP Northern Luzon Command kapalit ni vice Lt. Gen. Arnulfo Marcelo B. Burgos Jr na nagretiro noong Disyembre.

Naitalaga naman si Rear Admiral Alberto B. Carlos bilang bagong chief ng AFP Western Command kapalit ni vice Vice Admiral Roberto Enriquez.

Na-appoint din si Maj. Gen. Nestor Herico bilang Philippine Marines commandant na papapalit kay Maj. Gen. Ariel Caculitan na nakatakdang magretiro sa darating na February 21.

Kumpiyansa naman si Lorenzana sa kakayahan ng mga bagong leader ng AFP at gagamapanan nito ng maayos ang kanilang tungkulin para matiyak ang kaligtasan ang bansa at mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *