Pagbabakuna kontra covid-19, hindi nakikitang dahilan ng patuloy na pagbaba ng mga kaso sa NCR – Palasyo

Hindi pa umano nakikita ng Malacañang na ang pangunahing dahilan sa patuloy na pagbaba ng infections sa Metro Manila ay ang pagbabakuna kontra covid-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na sa kanyang paniniwala, ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng kaso sa National Capital Region ay ang pagsunod ng publiko sa mga ipinatutupad na minimum health standards.

Ayon sa kalihim, sa ngayon ay halos malapit nang maabot ng ilang siyudad ang target nilang 70 percent ng populasyon para mabakunahan.

Gayunman, malaking factor pa rin aniya sa pagbaba ng kaso ay ang pagsunod sa mga health protocols, kaya’t ito pa rin ang palagian nilang ipinapaalala sa publiko.

Ipinunto ng tagapagsalita na dapat tandaan ng lahat na hindi gamot ang bakuna kundi proteksiyon lamang upang maiwasan ang malalang kaso ng sakit at kamatayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *