Pagbabakuna sa A1-A3, prayoridad pa rin sa Isabela kahit pinayagan na ang vaccination sa mga A5

Prayoridad pa rin na maturukan ng bakuna kontra COVID-19 ang kabilang sa priority group A1, A2 at A3 sa lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Isabela Assistant Provincial Health Officer at Chairperson ng Isabela Vaccination Program Operation Center, Dr. Arlene Lazaro, ito sa kabila na pinayagan ng magsagawa ng vaccination sa mga A5 matapos mapabilang sa critical ang epidemic risk classification ng probinsya.

Aniya, mayroon ng 218,037 na mga Isabeleños ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang 151,728 naman ang naturukan na ng kanilang second dose.

Sa ngayon ay nasa 9.7% palang ang fully vaccinated na mula sa total projected population sa probinsya.

Sa bawat priority, mayroon ng 99.8% ang nabakunahan sa A1, 69.8% sa A2, 71.5% sa A3, habang sa A4 – ay mayroong 40% at 2% naman sa A5.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *