ZAMBALES- Magsisimula na bukas, araw ng Myerkules ang pagbabakuna laban sa covid-19 para sa mga empleyado ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Zambales.
Sa inilabas na advisory ng Provincial Health Office, gaganapin ito sa JICA Building sa Bgy. Palanginan, Iba mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Kabilang sa mga tuturukan ay ang mga senior citizen at mayroong mga comorbidity na empleyado.
Samantala, kasama sa listahan ang SSS, GSIS, Philhealth, DOJ, COA, DSWD, DAR, DA, PENRO, LTO, NBI, Deped SDO, NFA, BFAR, DPWH, PDOH, DTI, NIA, Landbank, CSC, COMELEC, PHILPOST, DILG at BIR.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO