Pagbabalik coding sa NCR, dapat munang pagbigyan – commuter group

Bibigyan muna ng pagkakataon ng grupo ng mga commuter ang ibinalik na number coding scheme sa Metro Manila.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyer’s for Commuters Safety and Protection kasunod na rin ng nakatakdang pagbubukas ng mga paraalan ngayong pasukan.

Aniya, hindi naman buong araw ang number coding at may mga exemption din na ipatutupad.

Samantala, sinabi ni Atty. Inton na may ilang bagay lamang na dapat suriin at alamin ang sektor ng transportasyon lalo’t mag-uumpisa na ang face-to-face classes.

Kabilang dito ang nasa mahigit isang daang rut ana muling bubuksan ng gobyerno, availability ng mga driver at road worthiness ng mga sasakyan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *