Pagbabalik ni Alyssa Valdez sa aksyon sa PVL, wala pang timetable

Wala pang timetable para sa pagbabalik aksyon ni Alyssa Valdez sa Premier Volleyball League.

Si Valdez mismo ang nagsabi nito nang tanungin siya kung paano siya gumagaling mula sa injury sa tuhod na natamo niya sa Game Two ng Creamline-Chery Tiggo best-of-three battle for bronze series noong 2022 Reinforced Conference noong Disyembre.

Nakuha ng 29-anyos na volleyball superstar ang injury sa ikatlong set ng laban.

Ang 2023 Open Conference ay nakatakdang magsimula sa February 4 at umaasa si Valdez na siya ay gagaling na mula injury at manatiling malusog hanggang sa Cambodia Southeast Asian Games sa Mayo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *