Pagbabalik sa dating school calendar – pinaburan daw ng mga stakeholder at DepEd

Welcome development para sa Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang naging tugon ng Department of Education sa kanilang request na ibalik ang old school calendar na mula June-March.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay TDC, National Chairperson Benjo Basas, sinabi nito na napakahirap na sitwasyon para sa mga estudyante maging sa mga kaguruan ang kasalukuyang school calendar.

Nagpapasalamat si Basas at pinakinggan ng DepEd ang kanilang isinumite noong nakalipas na dalawang taon pa at tapos na rin aniya ang final draft na memo ng naturang kagawaran para sa susunod na opening ng school year sa 2025.

Aminado naman ang TDC, na hindi kakayanin kung sakaling ngayong darating na school year 2024-2025 ipatutupad ang pagpapalit ng school calendar lalo’t kinakailangan pa ng mga adjustments lalo na sa mga guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *