Pagbabawal sa pagkumpiska ng mga plaka ng sasakyan, ipatutupad ng LTO

Ipinagbawal ng Land Transportation Office (LTO) ang pagkumpiska sa mga plaka ng sasakyang nahuli ng mga law enforcers at deputized agents.

Ayon sa LTO nag-issue na si Chief Jay Art Tugade ng memorandum na nagbabawal sa pagkuha ng mga license plates bilang tugon sa mga tanong at reklamo na natatanggap ng kanilang opisina.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na ipatutupad na nila ang naturang kautusan sa lahat ng mga tauhan at deputized agents.

Nakasaad din dito na ang anumang penalty na may confiscation, suspension o revocation ng driver’s license o student permit, maging ang suspension o revocation ng registration o impounding ng isang sasakya, ay hindi agad maipapatupad.

Sasailalim daw muna aniya sa isang alarm driver’s license, student permit, at sasakyan hanggang tuluyang maipatupad ang tamang penalidad. //SM edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *