Pagbalik ng limang pasahero muling hirit ng mga tricycle driver sa Naga City

NAGA CITY – “Sana maibalik na sa limang pasahero ang isakay.”

Ito ang muling panawagan ng mga tricycle driver sa Lokal na Pamalahaan ng Naga City.

Sa panayam kay ETODA Vice President, Sonny Barbosa, halos 50% sa kanilang kita araw-araw ay nawala, kahit paano aniya kapag ibinalik sa lima ay nakakaraos sila. Nabawasan din ang pasahero nila sa pagdami ng mga gumagamit ng e-bike, apektado pa ng mga colorum na malayang nakakapagpasada sa lungsod.

Ilan nga sa kanila ay nag-oover time na at ina-abot pa ng alas-10 ng gabi ang pamamasada nang sa gayon ay kahit papaano ay makabawi man lang.

Lalo pa aniyang babawas ang pasehero kapag oras ng bakasyon sa klase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *