Pagbangga ng bicam sa 2023 National Budget, malapit nang matapos – Angara

Kumpiyansa si Senate Finance Committee chairperson Sonny Angara na mabilis ma-aaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang P5.268 Trillion 2023 National Budget.

Sa isang pahayag, sinabi ni Angara na maganda ang naging takbo ng Bicameral Conference Committee pagdating sa pagbanga ng mga disagreeing provisions ng General Approprications Bill o GAB.

Aniya, maaari nang ma-aprubahan ito sa susunod na linggo.

Sa katunayan, nasa 50-60% na raw silang tapos para rito.

Samantala, sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Senador Win Gatchalian na target daw tapusin ang bicam meeting sa December 5.

Tina-target din aniyang mapirmahan ang GAB bago mag December 15.

Dahil dito, naniniwala si Gatchalian na maaaprubahan ito ng Pangulo bago matapos ang taon.

Ibig-sabihin, wala aniyang magiging reenacted budget para sa taong 2023.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *